-- Advertisements --
ROMUALDEZ IN DAVOS

Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez na naging “star” ang Pilipinas sa katatapos lang na World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ngayong taon.

Tinawag ng Leyte’s 1st district congressman na isang kamangha-manghang karanasan na naisali ang Pilipinas sa Davos.

Naipakita sa World Economic Forum (WEF) na ang bansa ay “open for business” at nasa Pilipinas ang best workers sa buong mundo.

Ang 2023 World Economic Forum (WEF) ay ginanap sa Davos mula January 16 hanggang 20.

Ito ay dinaluhan ng mga pangunahing world leaders at mga business elite.

Si Romualdez ay bahagi ng opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos sa forum.

Pagkatapos ng forum, pumunta si Marcos at ang kumpanya sa Zurich para makipagkita sa Filipino community doon.

Si Marcos ang tanging pinuno mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na dumalo sa forum.

May mga batikos na masyadong malaki ang delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF).

Ngunit, depensa ni Romualdez na marami ang na-impress sa attendees ng Pilipinas.