Nakuha ng bansa ang overall champion sa ICF Dragon Boat World Championships.
Humakot ang koponan ng kabuuang 11 golds, 20 silvers at 16 bronze medals.
Pumangalawa naman sa puwesto ang Thailand na nagtala ng walong gintong medalya habang ang AIN o mga Individual Neutral Athelete ay pumangatlo na mayroong anim na ginto, tatlong silver at tatlong bronze medals.
Naging matindi ang laban ng bansa sa mixed 20-seater standard boat 500-meter race sa loob ng dalawang minuto at 6.34 seconds na naungusan ang Singapore na mayroong 2:06.73 at Germany na mayroong 2:07.98.
Sila rin ang nangibabaw sa 40+20 seater 2,000 meter standard boat event na nahigitan ang Canada.
Labis na ikinatuwa ni PCKDF president Leonora “Lenlen” Escollante, ang pagkampeon ng bansa kung saan maituturing ito na isang record sa kasaysayan.
Ang susunod na magiging host ng nasabing palaro ay sa Regina, Canada sa darating na 2026.