Ibinunyag ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) director general Manuel Antonio Tamayo na ang Pilipinas ay kulang na kulang na ng mga aviation experts partikular na ang mga air traffic officer, dahil ang suweldo na inaalok dito ay hindi na makakalaban sa ibinigay sa Middle East.
Hiniling ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa gobyerno na itaas ang sahod ng mga air traffic controllers sa mga pasilidad ng kanilang ahensiya para mahikayat silang manatili sa bansa.
Aniya, ang ahensya ay nawawalan ng mga aviation talents karamihan sa Middle East, kung saan ang panimulang suweldo ay hanggang anim na beses na mas mataas kaysa sa nakukuha nila dito.
Hiniling ni Tamayo sa Governance Commission for GOCCs (GCG) na pangasiwaan ang pagsasaayos sa salary grades ng air traffic personnel.
Nagbabala siya na kung walang reporma, mawawala sa Pilipinas ang mga taong makakapigil sa pag-shutdown ng airspace na maulit sa hinaharap.
Bilang tugon, sinabi ni commissioner Gideon Mortel na titingnan ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang isyu sa suweldo ng mga air traffic officer na nagtatrabaho para sa mga pasilidad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nangako siya na pinag-aaralan ng ahensya na inatasang mangasiwa sa mga state-run firm tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bawat opsyon para mapabuti ang air traffic management sa Pilipinas.
Magugunitang aabot sa hanggang sa P850,000 bawat buwan ang sahod ng air traffic officer sa Dubai; P380,000 bawat buwan sa mga air traffic controller kumpara sa Pilipinas na nasa P51,155 lang bawat buwan.