-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan sa football ang Pilipinas matapos na talunin nila ang Thailand.

Sa unang pagkakataon sa loob ng 52 taon ay tinalo ng Philippine Men’s National Football Team ang Thailand 2-1 sa semifinals ng ASEAN Championship AFF Mitsubishi Electric Cup.

Sa unang goal ay naipasok ni Sandro Reyes sa loob ng 21 minuto hanggang maitabla ng Thailand sa pamamagitan ni Suphanan Bureerat sa huling minuto ng first half.

Pagpasok ng second half ay naipasok ng 25-anyos na si Enriquie Linares para tuluyang maipanalo ng Pilipinas.

Naging sulit ang panonood ng nasa 7,116 ng mga Pinoy sa Rizal Memorial Stadium.

Gaganapin ang Leg 2 ng semifinals sa araw ng Lunes sa home court naman ng Bangkok, Thailand.