-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga nakabili ng bagong smartphones noong nakaraang taon.

Base sa International Data Corp. (IDC) na mayroong halos 18 milyon units ang naibenta noong nakaraang taon kumpara sa 16.9 milyon noong 2023.

Itinuturong dahilan ng pagtaas ng bilang ay tila naharap sa hamon ang mga Pinoy sa paghina ng peso at ang pagdaan ng mga magkakasunod na bagyo.

Dahil sa nasabing kadahilanan ay napilitan ang mga ito na gastusin ang mga ipon nila sa basic necessities.

Naging susi rin dito ay ang paglabas ng mga pinamurang entry level na mga smartphones na abot kaya ng mga ordinaryong Pinoy.