BUTUAN CITY – Nahaharap ngayon sa health crisis ang bansa.
Ito ang inihayag ni Dr. Cesar Cassion, ang regional director ng Department of Heath-Center for Health Development kon DOH-CHD Caraga matapos buksan kahaon ang 50th National Nutrition Month celebration.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Dr. Cassion na base sa pinakahuling datus ng kanilang ahensya, lumalabas na 3 sa bawat-100 mga batang may edad na 6-anyos pababa, ay kulang sa timbang habang mataas naman ang antas sa mga batang bansot.
Ito’y hindi pa kasali sa isa sa bawat-20 bata ang nasa kategoriyang wasted hanng 14% naman sa mga school-aged children ang obese o sobra sa timbang at 22% naman sa mga adolescents ang bansot habang 13% ang obese.
Ito umano ang pakay sa selebrasyon ngayong taon na may temang ‘Sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat’.