
Nailunsad na ng Pilipinas ang kauna-unahang nitong high-powered hybrid rocket na may mission na mag-deploy ng Can Satellite (CanSat).
Ito ay ang TALA, na may sukat na 10 talampakan ang taas at tumitimbang ng 15 kilos, na binuo ng mga estudyante at space technology researchers mula sa St. Cecilia’s College sa Cebu sa ilalim ng Young Innovators Program ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development.
Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA), inilunsad ang TALA sa Crow Valley Gunnery Range sa Capas, Tarlac.
Nag-deploy ito ng Can Satellite payload bago ilabas ang pangunahing parachute nito para sa isang ligtas na landing.
Kabilang sa mga tampok ng TALA rocket ay ang flight sensors, isang GPS, isang dual parachute deployment, at isang payload system upang magdala ng Can Satellite (CanSat) hanggang humigit-kumulang 5 kilometro sa atmosphere.
Ayon sa pangkat ng TALA, ang pagpapadala ng CanSats sa atmosphere gamit ang mga hybrid na rocket ay mas epektibo kaysa sa pag-deploy ng mga simulate na satellite na gamit ang mga drone dahil ang mga hybrid na rocket ay maaaring mag-deploy sa mas mataas na mga lugar.
Una na rito, ang mga Can satellite ay ginagamit sa mga educational setting upang malayuang mangalap ng data at impormasyon sa ating kapaligiran.