-- Advertisements --
May mga pautang mula sa mga multilateral banks at bilateral development partners sa bansa ang naaprubahan para sa pagbili ng mga booster at pediatric shot.
Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez na naaprubahan ng board of directors ng Beijing-based Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang karagdagang $250-milyon na utang.
Kasabay din nito ang pag-apruba ng dagdag na $250-M co-financing na inaprubahan ng Manila based Asian Development Bank (ADB) na inaprubahan din noong nakaraang mga araw.
Ang Asia-Pacifice vaccine access facility (Heal 2) project ay ang proyekto na ipinapatupad ng Department of Health sa paglaban sa COVID-19 pandemic.