-- Advertisements --
Iniulat ng Bureau of Treasury na nakalikom ito ng kabuuang $3 bilyon mula sa “blockbuster” nitong US dollar-denominated bond sale.
Ang Pilipinas ay naglunsad ng isang US dollar-denominated bond offer na may 3 tenor na 5.5 years, 10.5 years, at 25 years na may layunin na makalikom ng hindi bababa sa $500 milyon.
Sinabi ng Treasury na ang malakas na demand ay nakatulong sa kanila na mapababa ang mga rate ng interes na babayaran sa lahat ng mga bonds.
Ang pangangailangan para sa mga bonds ay nagtulak din ng mga alok na umabot sa $28.2 bilyon.
Kung maalala, noong Oktubre 2022 inilunsad ng Pilipinas ang first US Dollar Bond offer sa ilalim ng administrasyong Marcos.