-- Advertisements --
image 526

Muling nakapagtala ang Pilipinas ng 153 bagong kaso ng COVID19 ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Bahagyang bumaba naman ang active tally sa kabuuang bilang na 8,410.

Inihayag ng departamento na sa kasalukuyan, ang caseload ng bansa ay nasa 4,079,378 na bilang.

Ang bilang naman ng mga aktibong kaso ay bumaba mula sa 9,244 habang ang death tally sa bansa ay umabot na sa 66,925.

Sinabi ng Health Department na kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na impeksyon ay ang National Capital Region na may 595 na kaso, sinundan ng Davao Region na may 283, Calabarzon na may 231, Northern Mindanao na may 176, at Soccsksargen na may 173.