Nakapagtala ang Pilipinas ng 169 na bagong kaso ng COVID-19 kahit na bahagyang bumaba ang aktibong tally mula noong nakaraang araw.
Ayon sa Department of Health, ang caseload ng bansa ay kasalukuyang nasa 4,078,820, habang ang bilang ng mga aktibong kaso ay bumaba sa 9,270 mula sa 9,287.
Naitala ng National Capital Region ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 548 at sinundan ng Davao Region na may 283, Calabarzon na may 227, Soccsksargen na may 182, at Northern Mindanao na may 158.
Samantala, may kabuuang 167 indibidwal naman ang nadagdag sa recovery tally, na ngayon ay nasa 4,003,285 habang ang death toll ay tumaas naman sa 66,265.
Sa ngayon may kabuuang 7,127 indibidwal na ang nasuri noong Biyernes, at 318 na laboratoryo ang nagsumite na rin ng datos