-- Advertisements --
image 165

Nakapagtala ang Pilipinas ng higit 2 milyong international arrival sa first half ng taong 2023, ayon yan kay Department of Tourism.

Binigyang diin ni Tourism Secretary Christina Frasco na nakapagtala ang bansa ng 2,002,304 international visitor arrivals mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023.

Ito, ani Frasco, ay lumampas sa target ng DOT na 1.7 milyong dayuhang bisita para sa buong 2022.