Nakapagtala ang Department of Health ng 207 na bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado, habang ang active tally ay bumaba naman sa 8,596.
Ang caseload ng bansa ay kasalukuyang nasa 4,079,992.
Samantala may karagdagang 215 naman na mga pasyente ang gumaling mula sa COVID-19, na nagresulta ng recovery tally na 4,005,074.
Habang umakyat naman sa 66,322 ang nasawi at nadagdagan pa ito ng anim.
Una na rito, ang bilang ng mga active cases ay bumaba mula sa 8,621 noong Biyernes.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na 650, na sinundan ng Davao Region na may 312; Calabarzon na may 247; Northern Mindanao na may 235; at Soccsksargen na may 174.
May kabuuang 6,840 na indibidwal naman ang na-test noong Biyernes, at 319 testing laboratories ang nagsumite ng data.