-- Advertisements --
image 376

Muling nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng mahigit 200 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pinakahuling datos mula sa DoH, ang kabuuang bagong kaso sa ngayon ay nasa 261.

Habang ang active tally ay tumaas din ng 9,231 mula sa dating 9,068.

Ang nationwide caseload sa ngayon ay nasa 4,078,480.

Karagdagang 78 individuals naman ang naka-recover sa naturang virus kaya umabot na ang recovery tally sa 4,003,004.

Nadagdagan naman ng walo ang bilang ng mga namatay kaya lumobo na sa 66,245 ang bilang ng mga namatay.

Sa nakaraang dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang mayroong pinakamataas na kaso ng virus na nasa 520.

Sinundan ito ng Davao Region na mayroong 263; Calabarzon na mayroong 214; Soccsksargen na mayroong 163 at Northern Mindanao na mayroong 140.