-- Advertisements --
image 398

Muling nakapagtala ang Pilipinas ng 193 bagong kaso ng COVID-19 ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health.

Umakyat na sa kabuuang bilang na 9,287 ang active tally o may kasalakuyang nakamamatay na sakit sa ating bansa.

Ang mga bagong impeksyon ay nagdala ng bilang ng kaso sa 4,078,660, habang ang bilang ng mga aktibong kaso ay tumaas mula sa 9,231 kamakailan.

Umakyat din sa 4,003,117 ang recovery tally ng bansa, habang umabot naman sa 66,256 ang nasawi, ayon sa pinakahuling tala ng DOH.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 542 na kaso, sinundan ng Davao Region na may 271, Calabarzon na may 220, Soccsksargen na may 179, at Northern Mindanao na may 156.