-- Advertisements --

Nakatanggap ang Department of Health (DOH) ng nasa 837,000 respirator face mask na nagkakahalaga ng PHP136 milyon mula sa donasyon ng gobyerno ng bansang Canada bilang pagsuporta nito sa mga kababayan nating mga frontline healthcare workers na pangunahing nakikipaglaban sa coronavirus pandemic sa bansa.

Ibinigay ni Canadian Ambassador to the Philippines Peter MacArthur ang unang tranche ng 442,000 masks sa DOH headquarters sa Maynila.

Noong Setyembre 2020, nag-turn over din ang Canada ng 120,000 N95 mask sa DOH.

Mahigpit na nakikipagtulungan ang Canada sa gobyerno ng Pilipinas at mga katuwang sa rehiyon sa paglaban sa pandemya.

Ang mga mask ay ibinigay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng gobyerno ng Canada, Asean Secretariat, at mga miyembrong estado ng Asean upang mabawasan ang mga biological threats.

Mula noong 2013, ang mga partidong ito ay nagtatrabaho sa pagpapalakas ng biological security, biological safety, at mga kakayahan sa pagsubaybay sa sakit sa rehiyon.