-- Advertisements --

Nakatanggap ang bansang Pilipinas ng panibagong 288,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ang nasabing bakuna ay donasyon mula sa United Kingdom.

Sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez kasama si British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils ang nasabing mga bakuna.

Sinabi ni Galvez na ang nasabing mga bakuna ay gagamitin sa tatlong araw na national vaccination day mula Nobyembre 29 hanggand Disyembre 1.

Ang nasabing bakuna ay bukod pa sa pagdating ng nasa 201,240 doses na COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Pfizer.

Bahagi ito ng mga bakuna na binili ng gobyerno mula sa nasabing kumpanya.