-- Advertisements --
image 403

Nakatanggap ang Pilipinas ng P2.2 billion na puhunan upang tumulong sa pag-adapt ng mga sistema ng agrikultura sa climate change.

Ito’y matapos na ang World Risk Risk Report 2022 ay niranggo ang Pilipinas bilang ang pinaka-prone sa sakuna sa 193 bansa sa buong mundo, na may napakataas na markang 54.81%

Upang matulungan ang gobyerno na ilipat ang bansa patungo sa isang climate-resilient agricultural system at pataasin ang climate resilience sa mga lugar, inaprubahan ng Green Climate Fund (GCF) ang isang $39.2 Million o ₱2.2Billion na panukala sa pagpopondo para sa isang inisyatiba na tinatawag na Adapting Philippine Agriculture on Climate Change.

Ang pitong taong inisyatiba ay susuportahan ng halagang $26.2 Million o ₱1.4 Billion mula sa Green Climate Fund grant at $12.9 Million o ₱710Million sa co-financing mula sa Department of Agriculture (DA).

Ang mga nakaraang pag-aaral kasi ay nagsiwalat na ang epekto ng climate change sa agrikultura ng Pilipinas ay lubhang nakapipinsala.

Nagkamit ang bansa ng P290 Billion na halaga ng pinsala sa agrikultura sa nakalipas na dekada dahil sa matinding mga pangyayari sa panahon.

Tutulungan ng nasabing proyekto ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kakayahan ng gobyerno at mga pribadong sektor upang mabuo at makapagbigay ng impormasyon ukol sa klima nang mas epektibo.

Layunin din ng proyekto na maiangat at makabawi mula sa pagkakalugmok ng ekonomiya ng Pilipinas.