-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa pamahalaan ng India para mapag-alaman ang pagkakakilanlan ng dalawang Pilipino na namatay dahil sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni POEA Administrator Atty. Bernard Olalia na inaalam na ng embahada ng Pilipinas sa India ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi na Pinoy.

Tiniyak niya na bagamat kaunti lamang ang mga Pilipino sa India ay tutulungan nila ang mga Pinoy na naninirahan sa naturang bansa.

Karamihan aniya sa mga Pinoy sa naturang bansa ay immigrant dahil tulad ng Pilipinas, ang India ay isa ring labor sending country.

Gayunman ay sinabihan na nila ang mga agency na may naideploy na OFW sa India para mamonitor ang kanilang kalagayan.