Nagpahayag ng pakikisimpatya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI kahapon, Disyembre 31, 2022.
Sa isang pahayag ay sinabi ng pangulo ang pakikiisa ng bansa sa pag-aalay ng panalangin para sa walang hanggang kapahingahan ng kaluluwa ng yumaong Santo Papa.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay muling inalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mabubuting katangian ni Pope Benedict XVI.
Dito ay kinilala nila si Pope Benedict bilang “Pope of Charity” dahil sa sinimulan nitong episcopacy na pinamagatang “Deus Caritas Est” o “God is Love” na isang malalim na theological encyclical.
Pumanaw ang dating Santo Papa sa edad na 95 taong gulang halos isang dekada matapos siyang tagurian bilang ang unang pontiff na nagbitiw.