-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na hawak pa rin ng Pilipinas ang pagiging Dive Destination sa mundo.
Base kasi sa 2024 World Travel Awards (WTA) na itinuturing nila ang Pilipinas bilang Leading Dive Destination.
Ito na rin ang pang-anim na beses na nakuha ng Pilipinas ang nasabing pagkilala.
Ilan sa mga nangunang dive destinations ay ang Boracay bilang World’s Leading Luxury Island Destination, Manila bilang World’s Leading City Destination at Amanpulo bilang World’s Leading Dive Resort.
Sinabi pa ni Tourism Secretary Christina Frasco na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang promosyon para makilala ng tuluyan ang bansa.