-- Advertisements --

Nananatiling wala pa ring talo ang Strong Group Pilipinas sa nagpapatuloy na William Jones Cup.

Ito ay matapos na tambakan nila ang USA 112-90 sa laro na ginaganap sa Taiwan.

Dahil dito ay mayroon ng limang panalo at wala pang talo ang Pilipinas.

Nanguna sa panalo ng Pilipinas si Chris McCullough na nagtala ng 24 points, 18 rebounds at pitong assists.

Susunod na makakaharap nila ang Japan U22 ngayong araw ng Biyernes ng dakong ala-1 ng hapon.