-- Advertisements --

Nananatili pa ring walang talo ang Strong Group-Pilipinas sa nagpapatuloy na William Jones Cup sa Taiwan.

Nadomina nila ang Japan Under-22 sa score na 92-79 para makuha ang malinis na anim na panalo.

Malaking hamon sa nasabing koponan ang laban dahil sa kawalan ng ilang mga manlalaro na sina Angelo Kouame, Rhenz Abando at Tajuan Angee.

Kouame ay mayroong dinaramdam sa tuhod habang si Abando ay mayroong injury sa kamay habang nagpapagaling pa sa sakit si Agee.

Bumida sa panalo ng Pilipinas si Chris McCullough na nagtala ng 26 points at pitong rebounds habang mayroong 17 points, tatlong rebounds at dalawang assists si DJ Fenner.

Mayroon pang dalawang laro ang Pilipinas para ma-sweep nila at makuha ang kampeonato.