Nangangailangan daw ngayon ang Pilipinas ng mas maraming accountants.
Ito ang ibinunyag ng Centenary Celebration of the Accountancy Profession in the Philippines.
Sinabi ni Professional Regulatory Board of Accountancy Chairman Noe QuiƱanola na sa ngayon ay mayroong nasa 200,000 registered Certified Public Accountants sa bansa.
Pero sa kabila nito, nangangailangan pa rin umano ang bansa ng mas maraming Certified Public Accountant.
Ang pangangailangan ng accountants daw ay mahalaga dahil sila ang magsisilbing driving force para sa economic growth.
Sa ngayon, marami raw na mga negosyo at ahensiya ang nangangailagan ng accountants.
Sinabi naman ni Thelma Ciudadano, Chairperson ng Centenary Celebration na marami umanong mga accountants na magtrabaho sa ibayong dagat dahil sa mas mataas na sahod.
Sa kabila nito, umaasa naman itong ang mga nakababatang mga Pinoy ay dito na magtrabaho dahil marami rin namng oportunidad dito sa bansa.