-- Advertisements --

Nanguna ang Pilipinas sa ASEAN region na mayroong mabilis na pagtaas ng mga naibentang sasakyan.

Mula Enero hanggang Hulyo ay nakapagrehistro ang Pilipinas ng 65,934 na sasakyan na naibenta.

Mas mataas ito sa parehas na buwan noong nakaraang taon na mayroong 48,166.

Sumunod naman ang bansang Malaysia na mayroong 16.1 percent na pagtaas habang ang Thailand ay pumangatlo namayroong 5.7 percent at Indonesia ay 5.5 percent growth.

-- Advertisement --

Sa loob din ng pitong buwan ay nakapagrehistro ang Pilipinas ng 4.6 percent na pagtaas ng motorsiklo at scooter na naibenta ang Pilipinas mula sa dating 800,900 units ay mayroon itong 932,220 na units.