-- Advertisements --

Nangunguna ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamataas na naitalang kaso ng dengue ngayong taon batay sa ulat ng Philippine Pediatric Society.

Batay sa data na inilabas sa ginanap na roundtable discussion nitong lungsod ng Cebu, as of November 16, 2024, ang bansa ay nakapagtala ng 340,860 cases na may 881 ang nasawi kung saan mas mataas ito ng 81% kumpara noong nakaraang taon.

Pumangalawa naman sa pwestong may pinakamaraming kaso ang Indonesia at sinundan ng Malaysia.

Dito sa Pilipinas, nangunguna naman ang Central Visayas sa may pinakamataas na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Nobyembre 9 ngayong taon.

Batay sa datus, pumalo sa 33,651 ang naitalang kaso habang 57 ang nasawi.

Karamihan pa sa mga tinamaan sa lalawigan ng Cebu at sa highly-urbanized cities ay may mga may edad 1 hanggang 10 taong gulang.

Sa kabila nito, nasa .16 naman ang case fatality rate ng rehiyon o na mas mababa sa .18 case fatality rate ng National Capital Region.

Samantala, bahagi pa ng naturang roundtable discussion ay upang maipalaganap ang impormasyon sa publiko ang kamalayan sa dengue lalo na ang pagdami ng kaso sa rehiyon na nakakaapekto hindi lang sa mga bata kundi maging sa mga matatanda.