-- Advertisements --
Patuloy ang paglago ng pagawaan ng motorsiklo sa bansa.
Sa unang quarter pa lamang ay mayroon ng 68.6 percent na tumaas ang bilang ng mga nagagawang motorsiklo na itinuturing na siyang pinakamabilis sa Southeast Asia.
Base sa datos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Automotive Federation (AAF) na mayroong 30,582 na mga motorsiklo ang binuo o in-assemble sa bansa mula Enero hanggang Marso na mas mataas kumpara sa 18,137 sa parehas na period noong nakaraang taon.
Pumangalawa ang Malaysia na mayroong pinakamataas na growth rate ng 28.7 percent na sinundan ng Thailand na mayroong 5.8 percent at huli ay Indonesia na mayroong 5.7 percent.
Nanguna rin ang Pilipinas na mayroong pinakamaraming motorsiklo naibena.