Nanguna ang Pilipinas sa dami ng bilang ng mga internet users na nanonood ng mga vlogs kada linggo.
Ayon sa 2023 Global Digital Report na mayroong 55.6% ng mga internet users sa Pilipinas ay may edad 16 hanggang 64 ang nanood ng vlogs kada linggo.
Pumangalawa ang Indonesia na mayroong 33.3% na sinundan ng Taiwan na mayroong 33.2% at Brazil na mayroong 33%.
Nangibabaw din ang Pilipinas sa mga internet users na naglalaro ng mga video games sa anumang uri ng device na mayroong 95% habang nag-stream ng TV content ay 97.9% at nanood ng online video bilang bahagi ng pag-aaral ay 64%.
Pumangatlo naman ang Pilipinas sa haba ng oras ng nakababad sa internet na aabot sa siyam na oras at 14 minuto na pumangalawa ang South Africa na mayroong 9 oras at tatlumpung walong minuto at Brazil na mayroong siyam na oras at tatlumpung dalawa.