Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng global disaster risk hotspots base sa latest World Risk Index report na batayan sa exposure at vulnerability ng isang bansa sa natural hazards.
Base sa pag-aaral, lumalabas na nakapagtala ang Pilipinas ng index score na 46.82.
Ang Pilipinas din ang isa sa mga bansa na natuloy na vulnerable sa mga sakuna dulot ng extreme natural events gaya ng lindol, bagyo o baha.
Pumangalawa naman ang bansang India na may index score na 42.31, ang Indonesia nasa ikatling pwesto na may 41.46 index score at ikaapat ang Colombia na may 38.37 index score.
Kabilang din sa World’s top 10 countries na may highest disaster risk scores ay Mexico, Myanmar, Mozambique, China, Bangladesh at Pakistan.
Itinuturing naman na nasa “risk hotspots” ay nasa Americas at Asia.
Ginamit na indicators para matukoy ang mga lugar na disaster risk hotspots ay kung paano naapektuhan ang populasyon ng mga sakuna at conflicts sa nakalipas na limang taon gayundin ang mga refugees, displaced persons at asylum seekers.