-- Advertisements --
image 15

Nanguna ang Pilipinas sa may pinakamataas na disaster risk sa buong mundo ngayong 2022.

Batay ito sa naging assessment WorldRiskIndex 2022 hinggil sa disaster risk ng nasa 193 na mga bansa na sumasaklaw sa mga bansang kinikilala naman ng United Nations at mahigit 99 percent ng populasyon sa buong mundo.

Sa datos, ang Pilipinas na mayroong 46.82% na WorldRiskIndex ay sinundan ng India na mayroong 42.31%, at Indonesia na mayroon namang 41.46%.

Lumalabas din sa nasabing report na siyam sa 15 bansa na may highest disaster risk ay kabilang din sa 15 pinakamataong mga bansa sa daigdig.

Kapansin-pansin din na maraming mga island state ang hindi na napabilang pa sa mga nangungunang risk ranking ng recalculation ng WorldRiskIndex ngayong taon dahil sa pagbabago ng mga factors na ikinokonsidera ng mga kinauukulan pagdating sa pagkakalkula ng mga datos ukol dito.

Ibinibilang na rin kasi ang absolute at percentage figures ng mga population at risk sa kanilang kalkulasyon upang maiwasan ang distortion ng mga datos dahil sa population size tulad ng isang bansa.

Nakasaad din sa inilabas na datos ng WRI na ang China ang may pinakamataas na exposure, na sinundan naman ng Mexico, at Japan.

Kabilang naman sa most vulnerable country sa buong mundo ang Somalia, Chad, at South Sudan.

Habang ang South Korea, Italy, at Greece naman ay nagpapakita ng mababang vulnerability na maaaring makabawas sa disaster risk kahit na mayroon itong very high exposure.

Samantala, ang Amerika naman ang kontinenteng may pinakamatas na disaster risk sa buong mundo, na sinundan ng Asya, at pumangatlo naman ang Africa, habang ang Europa naman ang may pinakamababang risk sa pagdating sa global comparison.

Ang naturang assessment ngayong taon ay nakatuon sa mga pagbabagong dulot ng digital technology na gamit ng mga bansa sa pagdating sa disaster preparedness at response.

Sa pamamagitan kasi ng digitalization ay nagagamit ang Information and communication technologies (ICT) pagdating sa iba’t-ibang yugto ng disaster management for knowledge acquisition, information, dissemination, communication.

Tulad na lamang ng paggamit ng global database para sa mga risk analysis, maagang digital warning systems, applications para sa pag-record ng mga pinsala, at pakikipag-ugnayan sa mga apektadong indibidwal sa pamamagitan naman ng social media platforms.