Patuloy na namamayagpag ang Pilipinas bilang leading rice importer o nangunguna sa lahat ng mga bansa sa buong mundo pagdating sa pag-aangkat ng bigas.
Batay ito sa naging pag-aaral ng United States Department of Agriculture kung saan ngayong taon ay inaasahan pa na aabot ng hanggang 4.1 million metric tons na bigas ang aangkat in ng ating bansa.
Mas mataas ito ng 5.1% kumpara sa 3.9 million metric tons na bigas na inangkat ng Pilipinas sa nakalipas na taong 2023 sa kabila ng inaasahang paglago ng populasyon at turismo sa bansa.
Samantala, sa kaparehong pag-aaral ay lumalabas naman na nananatiling ang India ang nangungunang bansa bilang rice exporter sa buong mundo kung saan inaasahang makakapag-export ito ng hanggang 18 million metric tons na bigas na katumbas naman ng 1.3 ng kabuuang global export volume.
Sa kabila naman ito ng mga trade restrictive measures na kinakaharap ng nasabing bansa sa isang bahagi ng kanilang rice exports, ngunit gayunpaman ay sinabi pa rin ng mga eksperto na inaasahang magiging matatag ang rice exports nito.