-- Advertisements --

Babandera ang pangalan ng mga Filipino BMX cyclist na sina Daniel Caluag at Patrick Coo sa pag-host ng bansa ng 2023 Asian BMX Championship at Asian Junior BMX Championships for racing and freestyles.

Gaganapin ito sa March 3-6, 2023 sa International Cycling Union -Standard BMX track sa Tagaytay City International Convention Center.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na kaniyang hihilingin sa International Cycling Union na kung maaring gawin ang 2023 Asian Championships bilang qualifiers sa Paris 2024 Olympics.

Huling ginanap kasi sa bansa ang international cycling competition ay noong 2019 Southeast Asian Games sa Tagaytay City.

Si Caluag na 2012 London Olympian at 2014 Asian Games gold medalist na ginanap sa Incheon kasama nito ang kapatid na si CJ Caluag at 2019 Asian Junior Championship gold medalist Patrick Coo.