-- Advertisements --
Nanatili pa rin ang PIlipinas bilang pinakamasama umanong lugar na puntahan kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa inilabas na ulat ng Bloomberg na nasa pang-huling ranggo ang Pilipinas sa 53 mga bansa.
Sa COVID Resilience Ranking ng Bloomberg, nakapagtala ng lowest overall resilience score ang Pilipinas ng 40.5.
Noong Hunyo ay nasa pang-52 ang Pilipinas na mayroong resilience score na 40.2.
Inalmahan naman ito ng Palasyo dahil sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi buong mundo o 194 bansa ang isinama at tanging 53 lamang ang kanilang naisama sa survey.