Nasa huling puwesto umano ang Pilipinas sa listahan ng pinakaligtas na bansa sa buong mundo.
Ayon sa International monthly magazine na Global Finance’s safest countries, ibinase ang ranking sa tatlong factors gaya ng war and peace, personal security at natural disaster risk kabilang na ang panganib dulot ng COVID-19.
Ginamit nila aniya ang datus mula sa World Economic Forum and Global Institute For Peace.
Mayroong 14,8999 ang natanggap na puntos ng bansa na naglalagay sa ika-134 na lugar sa ilalim ng Bosnia-Herzegovina, Nigeria, Guatemala at Colombia.
Ang mga bansa aniya na mayroong civil conflict ay mayrong mataas na panganib mula sa natural disasters gaya ng Pilipinas, Nigeria, Yemen at El Salvador na napaulat na may mababang kaso ng pagkamatay mula sa COVID-19.
Nanguna naman ang Iceland sa pinakaligtas na bansa buong mundo na sinundan ng United Arab Emirates at Qatar.