-- Advertisements --
Nasa listahan ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamababang COVID-19 vaccination willingness.
Ito ay base ginawang pananaliksik ng YouGov, isang international research and analytic group.
Sa kabuuang 21 bansa na kasama ay nasa pangatlo sa pinakamababa ang Pilipinas.
Sa nasabing survey, 56 percent daw ng mga Filipino respondent ang nais na magpabakuna na sinusundan ito ng Hong Kong na mayroong 38 percent at 35 percent naman sa Taiwan.
Ipinaliwanag ng grupo na ang mababang willingness o ang pagkusa na magpabakuna ng mga nasa Hong Kong at Taiwan ay dahil sa bumababa na ang kaso ng COVID-19.
Nanguna ang United Kingdom na sinundan ng United Arab Emirates sa maraming nais magpaturok ng bakuna.