-- Advertisements --
Napanatili ng Pilipinas sa pang-pitong puwesto bilang most dangerous country para sa mga journalist sa buong mundo.
Ito ay base sa Global Impunity Index 2021 ng Committee to Protect Journalist (CPI).
Marami kasing kaso sa bansa ang nananatiling hindi pa nareresolba.
Umaabot sa 13 unsolved murder cases na ang mga biktima ay mga journalist ang naitatala sa bansa.
Noong nakaraang taon kasi ay nasa pangpitong puwesto na rin ang Pilipinas.
Nanguna naman sa listahan ang Somalia na sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan at Mexico.