-- Advertisements --
ILOILO CITY – Napanatili ng World’s No. 1 eKata player na si James De Los Santos ang top spot sa World e-Kata rankings.
Ito’y matapos nasungkit ni Delos Santos na tubong Cebu City ang gold medal sa Athlete’s eTournament Series.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay De Los Santos, sinabi nito na nakaharap niya sa finals ang Estados Unidos kung saan natalo niya ito sa E-Kata Individual Male Seniors Category.
Napag-alaman na ngayong taon, nakapagtala na ng anim na panalo ang 31 anyos na World champion sa E-Karate.