-- Advertisements --
Natanggap ng gobyerno ng Pilipinas ang anti-flu drug na Avigan tablet na bigay ng bansang Japan.
Sa inilabas na pahayag ng Embassy of Japan in Manila, ang nasabing mga gamot ay ibinigay bilang bahagi ng emergency grant aid sa mga bansa na labis na naapektuhan ng COVID-19.
Para sa 100 pasyente ang nasabing mga gamot ay gagamitin para sa clinical trials para sa posibleng gamot sa COVID-19.
Umaasa aniya ang Japan na makikipag-cooperate ang Pilipinas para sa advancement ng clinical research laban sa COVID-19.
Bukod sa Pilipinas ay binigyan din ng Japan ang 40 na ibang mga bansa para sa clinical studies sa pagiging epektibo nito sa paggamot ng coronavirus.