Pormal na tinanggap ng Pilipinas ang donasyon mula sa gobyernong United Arab Emirates para sa mga biktima ng super typhoon Carina at habagat.
Ang mga donasyon ay binubuo ng gatas, arina, bigas at iba pa.
Ang turnover ceremony na ginanap sa Ninoy Aquino International Airport ay dinaluhan nina Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investments, Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., UAE Ambassador Mohamed Obaid Alqattam, and Reichel Quiñones, Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs.
Nagpasalamat si Yu-Pimentel sa gobyerno ng UAE, partikular kay Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, Pangulo ng UAE; Sheikh Abdullah bin Zayed bin Sultan Al Nahyan, Minister of Foreign Affairs at Deputy Prime Minister; at Ambassador Alqattan.
Binanggit ni Yu-Pimentel na ang kamakailang pagbisita ni First Lady Liza Araneta Marcos sa UAE ay higit pang nagpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa.
Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang Bagyong Carina, tropical depression Butchoy, at habagat ay nakaapekto sa 3,628,500 indibidwal o 971,667 pamilya.