Tinukoy ng United States Department of Agriculture (USDA) ang Pilipinas bilang pinakamalaking importer o nag-aangkat ng bigas sa buong mundo.
Sa pinakahuling report ng United States Department of Agriculture, tinataya ditong aangkat ang bansa ng hanggang 3.8million metriko tonelada ng bigas sa marketing year 2023-2024.
Ang naturang volume ay mas mataas kumpara sa maaaring angkatin ng China, na siyang dating pinakamalaking importer ng bigas.
Inaasahan lamang kasi na aabot ng hanggang sa 3.5million metriko tonelada ang aangkatin ng China, o 300,000 metriko tonelada na mas mababa kumpara sa projected import ng Pilipinas hanggang sa susunod na taon.
Ayon sa USDA, simula 2008 ay umaangkat na ang bansa ng mas malalaking bulto ng bigas, at nagpatuloy ito sa likod ng patuloy ding pagtaas ng presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado.
Batay kasalukuyang datus ng Bureau of Plant Industry, ang bulto ng bigas na naangkat ng Pilipinas ay umaabot na sa 2.33million metriko tonelada.
4.46% dito ay galing sa Thailand habang 89.85% ay nagmula sa Vietnam.