Ibinunyag ng grupoong Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) na tuloy-tuloy na nawawalan ang Pilipinas ng hanggang P5 billion na revenue dahil sa malawakang smuggling at iligal na bentahan ng mga vape products.
Ayon kay BK3 convenor Karry Sison, dapat sana ay nakakakulekta ang Pilipinas ng hanggang P5 billion sa tax ng mga naturang produkto ngunit dahil sa smuggling at iligalna bentahan ng mga ito ay umaabot lamang sa P138 million ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang mga naturang produkto aniya ay nakakapasok sa mga merkado sa bansa nang hindi dumadaan sa tamang proseso, daan upang mas mababa ang nakukulektang taripa/tax ng pamahalaan
Suhestiyon ng grupo, kailangan ng mas mahigpit pang pagbabantay sa mga pumapasok na kahalintulad na produkto, kasama na ang posibleng lokal na produksyon.