-- Advertisements --

Tiniyak ng pamahalaan na palalakasin nito ang mga military facilities sa mga isla at shoals sa tinaguriang disputed islands sa West Philippine Sea.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkumpuni sa mga pier at airstrip.

Nakatakda sanang magsagawa ng inspection si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pagasa Island at sa isang outpost sa Thitu pero kinansela ito dahil sa masama ang panahon.

Pero ayon sa isang opisyal ng AFP, ang pag kansela sa biyahe ng kalihim noong Biyernes sa West Philippine Sea ay dahil sa security reason.

Sinabi ng kalihim na balak nilang magtayo ng port, pier para sa mga barko ng Philippine Navy, sa may Thitu na malapit sa Subi Reef na isa sa mga lugar na sinakop ng China.

Kinumpirma naman ng Kalihim na may go signal na mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para i-upgrade ang facilities sa Thitu, kasama dito ang walo pang ibang lugar sa West Philippine Sea.