Inaasahang mag-aanunsyo ang Estados Unidos at Pilipinas ng isang kasunduan na magbibigay sa United States ng access sa isa pang 4 na base militar sa bansang Southeast Asia.
Ayon sa opisyal ng Pilipinas sa Armed Forces of the Philippines, ang kasunduan sa pagpapalawak ng kooperasyon ay iaanunsyo sa gitna ng pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa bansa.
Kung matatandaan, ang nasabing dalawang bansa ay naghahangad na ayusin ang mga ugnayan na naputol noong pang mga nakaraang taon.
Dagdag dito, ang lumalagong paninindigan ng China sa Taiwan at ang mga pag-angkin nito sa pinag-aagawang West Philippine Sea ay nagbigay ng panibagong lakas sa Washington at Manila na palakasin ang kanilang ugnayan.
Dahil sa kalapitan nito sa Taiwan at sa nakapaligid na tubig nito, magiging susi ang kooperasyon ng Pilipinas sakaling magkaroon ng salungatan sa China, na binalaan ng isang 4-star na US Air Force general na maaari umanong mangyari sa taong 2025.
Una na rito, magpapahintulot din ito sa Estados Unidos na itambak ang kanilang mga defense equipment sa nasabing baseng militar.