-- Advertisements --
Pansamantalang sinuspinde ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman.
Inanunsyo ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na mapasama ang Pilipinas sa mga bansa na kabilang sa travel ban ng Oman.
Sinabihan aniya ang kanyang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes para ipabatid ang impormasyon na ito.
Dahil dito, ang DFA ay inirekomenda rin ang pagdeklara nang pansamantalang suspensyon sa deployment ng mga OFWs sa Oman.
Gayunman, hindi naman binanggit pa ni Bello ang pinaka-dahilan kung bakit sinuspinde muna ng Pilipinas ang deployment sa Oman at kung kailan ito magsisimula.