-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro na patuloy na ipaglalaban ng Pilipinas ang mga karapatan nito sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng anunsyo ni Pres. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat ng iba’t ibang bansa.

Ibinunyag ni Teodoro na kahit kaibigan ng isang bansa ang Pilipinas, dapat itong magreklamo kung mayroon itong kasalanan sa sariling bansa.

Dagdag pa niya, ang verbal note na ipinadala sa China mula sa Pilipinas sa pamamagitan ni Pres. Marcos ay parang demanda sa International Law.

Gayunpaman, ipinaliwanag ng opisyal na walang kasong ito sa ilalim ng International Law ngunit sa pamamagitan ng verbal note ay maaaring ideklara ng Pilipinas ang pagkakasala ng China laban sa bansa.

Aniya, dapat palakasin ang diplomasya sa Exclusive Economic Zone (EEZ).

Kaugnay nito, tiniyak ni Secretary Teodoro na gumagawa ng istratehiya ang pambansang pamahalaan hinggil sa problema sa West Philippine Sea habang umaapela sa publiko na makipagtulungan at magtiwala sa gobyerno.

Una rito, inatake ng Chinese Coast Guard ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard gamit ang water cannon habang patungo sila sa paglalagay ng food supplies sa Sierra Madre.