Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na makikipag-usap ang Philippine government sa Beijing dahil inaangkin din ng China ang Malampaya natural gas fields.
Layon ng pakikipag-usap ay para maiwasan ang anumang alitan o hidwaan sa hinaharap.
Sinabi ng Pangulo na ang tanging paraan para masolusyunan ang nasabing isyu ay ang patuloy na pakikipag-usap at magkaroon ng kasunduan.
Sinabi ng Pangulo ang Malampaya fields, natural gas fields ay nakapaloob sa baselines at pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas subalit kinukwestiyon ito ng Beijing.
Sinabi ng Chief Executive patuloy na naghahanap ng paraan ang kaniyang administrasyon para maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.
Ayon sa Pangulo, inaangkin ng Chinese government ang Malampaya fields na bahagi ng teritoryo ng bansa na kinilala din ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang bahagi ng exclusive economic zone ng Philippines.
“The nine dash line covers just about the entire West Philippine Sea. We, on the other hand, have established our baselines which have been recognized and accredited by UNCLOS and therefore there is that conflict and so what happens now especially when it comes to exploration in — for energy — for our energy needs are which law will apply because we say this is part of Philippine territory and therefore Philippine law should apply,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ipinunto din ng Pangulo na sa ngayon mayruon ng hakbang ginagawa ang dalawang bansa kaugnay sa pag-aangking sa Malampaya fields.
“It may have to come down to a compromise that will just limit that application, the application of laws maybe to the vessels that are involved in this exploration and exploitation of whatever natural gas fields we can access,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang Malampaya gas field ay isang deepwater gas-condensate reservoir, na matatagpuan 65 kilometers northwest sa Palawan.