Pinag-aaralan ng Pilipinas ang magkahiwalay na labor agreements sa Malta at Albania upang matiyak ang proteksyon ng mga karapatan at benepisyo ng dumaraming manggagawang Pilipino sa parehong lugar.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Italy Neal Imperial, na namumuno din sa Malta at Albania, na ang panukalang kasunduan ay hindi lamang magpoprotekta sa mga manggagawang Pilipino laban sa pagsasamantala at pang-aabuso, ngunit maiwasan ang illegal recruitment.
Nasa 10,000 Filipino accountant, engineer, manager, chef, hotel staff, bus driver, nurse at caregiver ang nagtatrabaho sa Malta, habang 400 naman ang nasa Albania.
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking labor exporter n sa mundo na may humigit-kumulang 10 milyong manggagawa na karamihan ay nagtatrabaho sa manufacturing, construction, seafaring, IT, medical, at services sectors.
Sila ay madalas na tinatawag na “modern day heroes” para sa madalas na kakarampot na kita na kanilang naiuuwi na nagpapanatili sa matatag na ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ni Imperial na itinaas ng Pilipinas ang ideya ng pagpasok sa isang kasunduan sa Malta, kung isasaalang-alang ang pagtaas ng bilang ng mga overseas Filipino workers.
Nagpahayag naman ng interes ang Albania na pumirma ng labor accord sa Pilipinas dahil sa kakulangan sa mga manggagawa na dulot ng pag-usbong ng sektor ng turismo nito.
Sinabi ni Imperial na irerekomenda ng embahada sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na suportahan ang ideya ng pagpirma sa kasunduan, lalo na ngayong ang Malta at Albania ay nagiging mas gustong destinasyon ng maraming mga Pilipino.