Kinumpirma ng United States na ang Pilipinas ang may pinakamalaking natanggap na US military assistance sa rehiyon.
Ginawa ng US Embassy ang pahayag matapos ang courtesy call ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs, Randal Schriver kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon.
Ayon kay Ms. Molly Koscina, US Embassy spokesperson, mula January 2017, pinondohan ng US grants ang pagdeliver ng military equipment sa AFP na nagkakahalaga ng $95 Million dollars o P5 bilyong piso.
Kabilang dito ang: Raven tactical UAV system na nagkakahalaga ng P60 million piso; 200 Glock pistols, 300 M4 carbines, 100 grenade launchers, individual operator gear, at 4 na helicopter-mounted mini-guns, na may kabuuang halagang 250 million pesos; 25 combat rubber raiding craft at 30 outboard motors na may halagang 250 million pesos; 2 C-208 Cessna aircraft Para Philippine Air Force kasama ang pilot training na nagkakahalaga ng P1.6 billion; tethered Aerostat at radar system para sa Philippine Navy na nagkakahalaga ng P923 million piso at samut-saring mga medical equipment at supplies na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Ngayong 2018, natanggap ng Pilipinas mula sa Estados unidos ang isa pang batch ng 41 rubber boats na may outboard engines na nagkakahalaga ng P41 million pesos; Scan Eagle Unmanned aerial surveillance drones na nagkakahalaga ng P687 million pesos; 525 sets of ballistic vests, lightweight ballistic plates, tactical ballistic helmets na nagkakahalaga ng P178 million pesos; at pinakahuli ang Special Airborne Mission Installation and Response (SABIR) system para sa C-130 aircraft na nagkakahalag ng P807 million pesos.