-- Advertisements --

Naitala ng Pilipinas ang pangalawang pinakamabilis na pagdami ng mga sasakyan sa ASEAN mula Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.

Base sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Automotive Federation (AAF), na mayroong 116,650 na units ang nagawa mula sa 101,707 na units noong 2023.

Nanguna naman ang Myanmar na mayroon pagtaas ng 83.8 percent na mga sasakyang nagawa.

Nagtala naman ng pagbaba ng mga sasakyang nagawa ang Indonesia, Thailand at Vietnam.

Habang nakapagbenta naman ang Pilipinas ng 452,209 na mga units noong nakaraang taon.