Tuluyan ng pumirma ang Pilipinas sa $600 million loan deal sa World Bank.
Ang pondong ito ay gagamitin upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.
Ayon sa Department of Finance, ang naturang loan agreement ay para sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up, na may pangunahing layunin na palawakin at palakasin ang access ng mga magsasaka at mangingisda sa mga pamilihan.
Layunin din nitong madagdagan ang kita mula sa mga piling agri-fishery value chains at pagbutihin ang efficiency pagdating sa food supply chain.
Inaasahang matutulungan ng proyektong ito ang humigit kumulang 450 na magsasaka at mangingisda at makalilikha ito ng humigit kumulang 42,000 na bagong trabaho sa bansa.
Saklaw ng nasabing proyekto ang nasa 82 na lalawigan sa Pilipinas
Kung maaalala, mula pa noong taong 2014 ay sinusuportahan na ng World Bank ang naturang proyekto.
Nagbigay rin ito ng karagdagang pautang noong 2018 at 2021.
Samantala, umabot naman sa $7.94 bilyon ang kabuuang halaga ng development assistance loan at grant commitments ang naibigay ng World Bank sa ating bansa noong Hulyo taong kasalukuyan.